Thursday, January 28, 2010

sa lrt

nung nasa lrt ako kanina, wala lang, straight face, bangag pa sa ginawang cramming na report, bigla ko na lang naisip ang kaisipang ito: ganun lang ba talaga ang pwedeng gawin sa buhay? aalagaan ka ng magulang, magaaral ka, magtatrabaho, mag aasawa, mag kaka anak, apo, magpapa alaga sa mga anak, after nun, hinihintay mo na lang yung moment na iiwan mo na yung mundo.

er! ganun lang ba talaga ang dapat mangyari sa mga buhay natin?

kanina sa lrt, may nakita akong matanda. natanong ko sa sarili ko kung ano kaya naging buhay niya? ganung kaisipan rin ba yung pinaniniwalaan nya?

parang naisip ko, sana maiba naman yung "typical" na buhay. Sana hindi lang ganyan yung pangarap ng karamihan. ugh! di ko maexplain ng sobra, di ako magaling sa words!

ano pa ba ang pwedeng gawin sa buhay? pwede kaya na bata ka pa lang, ikaw na yung magddecide kung ano gusto mo gawin. Yung tipong susuportahan ka ng mga magulang mo sa lahat at hindi ka nila "iccontrol". Tsaka, yung mga trabaho ba na kinukuha ng mga tao e yung kung saan sila masaya o dahil yung sweldo nila eh sapat na para masustain nila yung pangangailangan ng kanilang pamilya?

sana hindi lang yung pagiging doktor, abogado o engineer yung magaling na nakikita natin. Ang daming magagaling na artists, composers, at mga professions na never heard. At sana, mabuksan yung isip natin na malaya tayo. malayang gawin kung saan tayo magaling at kung saan talaga natin gustong ilaan yung mga taon ng buhay natin.

Siguro kaya sikat yung mga taong sikat, hehe. kasi kahit masama o mabuti yung ginawa nila, sila yung "iba". Sila yung hindi natakot na kumawala sa kaisipang typical.

Ganito ako ng ganito pero isa rin naman ako sa karamihan. Gusto ko talagang maging doktor. Siguro dahil na rin sa paniniwala ng mga magulang ko na yung edukasyon ang pinakamahalaga sa lahat. Yung edukasyon na math and science a. Hindi yung edukasyon na holistic.hehe.

Naniniwala talaga ko na marami pang pwedeng gawin sa buhay. Kaso hindi ko alam kung ano yung mga yun kasi sobrang nasa typical na level lang talaga ko. Sana may milagrong mangyari na maging whirlwind at kakaiba mga mangyayari sakin. Para naman naenjoy ko buhay ko :D


At sa mga taong nakakabasa ng blag ko, haha. Diba?! nu pa bang meron sa buhay?




No comments:

Post a Comment