Tuesday, February 23, 2010

it's campaign season at school!

Ngayon ang panahon na halos lahat ng estudyante sa UP eh kala mo e friendships lahat.

Late ako kanina sa school, tapos magugulat ka na lang sa walkway ng entrance may mga kandidato na nakapila. Tapos, kakamayan ka nila, isa-isa. "Blabla for rep at large!" "Good morning! Blabla for USC councilor!" mga 9 yata silang lahat. Nagsmile na lang ako lahat sa kanila at nag goodmorning (pero nasa isip ko.."LATE NA PO AKO") haha.

Eto na naman ang season ng kaduper rivalry ng 2ng parties na naglalaban. Ang blue at red. Nag blue ako, actually kaming lahat ng Bio blockmates. Supporters kasi kami ng aming friend na kasama sa blue party. Kaya nung nag RTR ang mga taga red, mejo nahiya ako. :/

Sobrang magkaiba yung approach ng dalawang parties, yung isa, friendship method, yung isa, formal method. hehe. Maganda naman yung mga gusto nilang isulong para sa ikabubuti ng student welfare. May point naman lahat ng mga projects na gusto nilang gawin. May iba rin pala na kakaiba ang approach. Habang kumakain ka sa caf, makiki upo tapos makikipag kwentuhan sayo. O diba, personal! Effective siya infairness.

Isa lang siguro yung gusto kong mangyari after mahalal ang kung sino man. Sana mag EXIST naman sila kahit tapos na yung election. 3 years na kong nasa UP Manila pero hindi ko talaga maramdaman yung council. Ano ba? Dahil ba Bio major ako at mukang libro at halaman inaatupag ko? O baka dahil hindi talaga nagkakaisa yung council kasi nanggaling sila sa blue at red?

UNITY SA UPM? I WANT!

No comments:

Post a Comment