Saturday, January 30, 2010

nasagot ko na yung lrt thought/dilemma ko :D

ano pang meron sa buhay?
LOOVE!

yeah, at di ito yung lovey-dovey love. It's charity :)

Kanina, nagvolunteer ako sa Eskwela@tbp, isang catechism and academic tutorial for kids. Grabe ang saya!


Syempre nung una nahihiya pa ko kasi bago lang ako at ngayon lang ako nakapag volunteer sa ganung thing. Tapos pag dating namin dun sa site, nakita ko sa mga muka ng mga kids na sobrang excited sila na makita kami. Sobrang volunteer sila sa pagbuhat ng mga study materials at talagang super hug sila. To think na bago pa lang ako, parang ang tagal ko na silang nakasama. Ang saya mag storytelling at mag discuss ng mgal lessons sa kanila, talagang active sila pati sa pagsagot.

Ito na siguro yung something na wala sakin. Kasi naman puro aral o kaya puro petiks, nu ba yun gurl,haha.. hindi naman yata maganda na masayang yung buhay mo sa ganun lang. Kakaibang feeling, ibang klaseng happiness.

HAPPY!

No comments:

Post a Comment